Nandyan na siya, abot kamay, halos sabay na ang tibok ng puso ninyo. Pero hindi mo siya maramdaman, hindi mo na siya mahanap sa puso mo. Hindi kagaya noon. Hindi kagaya noong hindi ka pa nasaktan ng sobra. Noong hindi ka pa manhid sa lahat ng sakit. Noong sa kanya pa umiikot ang buhay mo. Bumalik siya. Iniwan niya ang lahat matapos ang mahabang panahon na hinabol-habol mo siya at nagmakaawang bumalik siya sa iyo. Bumalik siya... Pero ikaw, tuluyan ka ng nawala.