Formerly entitled "Pieces of Me" Isang pangyayari ang nakapagpabago sa takbo ng buhay niya. Sa kanyang muling pagbabalik ay baon baon niya ang pusong punong puno ng galit at hinanakit. Dahilan para tahakin niya ang landas na mapanganib at matinik upang makamit ang hustisyang ninanais. Pero paano kung sa paghahanap niya ng hustisya ay mahalungkat ang mga itinatagong lihim ng nakaraan? Mga lihim na itinago at pilit itinatago. Pano niya haharapin ang kasalukuyan kung maraming puwang sa nakaraan na kailangang maisawalat? Ang katotohanang tinapalan ng napakaraming kasinungalingan at pagpapanggap. "Hindi ako natatakot mamatay. Kung ang kamatayan na ang lumalapit sa akin, tatanggapin ko ng buong puso. Ang ikinakatakot ko lang, ang ako ang makapatay."