Yung feeling na iisa lang ang taong mahal mo pero iba ibang ugali niya ang nagpapakita sayo.
Minsan mabibigla ka nalang na mag iiba na naman ang kanyang ugali.
Tapos hindi ka na naman masasanay sa mga iba't ibang kilos na ginagawa niya.
Ngunit kahit na ganito siya eh mahal mo parin siya dahil sa lahat ng personality na ipinakita niya sayo ay may nagustuhan kang isa at yun ang pinaka ayaw mong magbago sakanya.
Pero paano mo naman magagawang mapanatiling stable ang inyong relasyon kung ganito ang sitwasyon niyo?
Minsan nga maiisip mong baka siguro loko loko na pala ang kasama mo o baka magdududa ka kung sino talaga ang totoong.....SIYA
Paano mo ma-hahandle ang taong may......SPLIT PERSONALITIES???