Naranasan mo na bang magmahal ng patago?
Naranasan mo na bang magmahal ng isang taong alam mong kailanman ay hindi magiging sa'yo?
Naranasan mo na bang isakripisyo ang lahat ng dahil sa pagmamahal sa isang tao?
Naranasan mo na bang maging pangalawa sa isang taong palagi mong inuuna?
Nagmahal ka na ba ng walang hinihinging kapalit?
Sumagot ka na ba ng " OO " sa tanong na "Okay ka lang ba?" kahit ang totoo ay kulang nalang sumabog ang puso mo sa sobrang sakit ..
Umasa ka na ba ng pauli-ulit?
Iniwan ka pero ikaw pa rin tong balik ng balik ..
Umasam ka na ba na sa bandang huli ikaw ang pipiliin?
Ako oo. Mahirap, masakit. Sobrang sakit.
Sabi nila kapag sobrang sakit na, bumitaw ka na.
Pero paano ako bibitaw sa isang bagay na halos buong buhay ang inilaan ko..
sa isang taong naging mundo ko ..
sa pagmamahal na bumuo ng aking pagkatao ..
sa pagmamahal na dahilan ng saya,lungkot at kakulangang ngayon ay nadarama ko.
Ang hirap magmahal ng isang taong minsan naging sa'yo pero ngayon ay pag-aari na ng iba.
Ang hirap magmahal ng may kahati ..
Ang hirap makihati sa atensyon, oras at pagmamahal nya ..
Alam kong mali.
Alam kong hindi tama.
Sino nga ba naman ang may gustong maging pangalawa lang sa
buhay ng taong mahal na mahal mo ..
Ayokong manira ng relasyon.
Ayokong maghiwalay sila ng dahil sa'kin.
Kaya heto ako,nagtitiis maghintay.
Nagtitiis sa mga hiram na sandaling kasama sya.
Umiintindi kahit hindi na alam ang iintindihin huwag lang syang mawala.
Nakikihati,nagmamahal ng patago at nasasaktan ng patago.
Ang tanga-tanga ko noh?
Pero sino nga ba sa atin ang hindi nagpakatanga at naging tanga sa pag-ibig?
Lahat tayo may kanya-kanyang version ng katangahan pag nagmamahal.
Kapag nagmahal ka nga naman, di mo na maiisip kung ano ang
pagkakaiba ng tama at mali.
Kung ano ang dapat at hindi.
Yung kahit gaano ka katalino at kabuting tao, may mga bagay kang
magagawa na hindi mo akalaing kaya mo palang gawin sa ngalan ng pag-ibig.
Kasi MAHAL mo e.
...kahit ang sakit - sakit na ..