"I love you mhine ko!"
"Tayong dalawa lang forever."
"Mahal na mahal kita, hindi tayo maghihiwalay hah?"
'Yan. 'Yan ang kadalasang message ng taong nagmamahal sa taong minamahal niya. May 'mhine' na, may 'koh' pa! Aba, mga ateng at tsong! Inangkin nyo naman ng bonggang-bongga yang mga jowa nyo! Pero totoo, tama naman ako diba? Ganyang ganyan naman tayo, nagkaiba-iba lang sa variation ng tawagan. Mayroong 'bhe ko', 'mahal', 'baby', 'babe', 'hon', 'sweetheart', sweetiepie', 'honeypie', 'sugarpie', PAMAYPAY! Pati nga ang walang malay na maruya at bukayo ay ginawa na ring tawagan! At kung anu-ano pang out of this world na mga endearment ang maririnig mo sa kanila. Pero aminin natin, baduy man sa pandinig ng iba, sweet pa din naman diba?
Pero gaano man katamis na tipong lalanggamin na ang relasyon ninyo, o gaano man katagal ang pinagsamahan niyo, hindi pa rin maiiwasan na 'yung iba ay nauuwi sa hiwalayan. Masakit diba?
At wala kang magagawa kundi tanggapin ang katotohanang iyon!
lahat ng pag ibig ay may kaakibat na sakit ika nga nila, kakambal na ng pag ibig ang sakit. hindi pwedeng mag mamahal ka ng hindi nasasaktan.
ngunit kahit napakasakit ng naidudulot nito sa tao hindi pa rin natitigil ang pag mamahal na ipinapakita.
hanggang kailan kaya ito tatagal? magiging kami kaya? O hahayaan at tatangayin na lang ng alon ang pag mamahal na matagal ko ng ibinaon.
ngunit ang alon ay umaalis at bumabalik. katulad ng pag ibig kailangan isip, damhin, sisirin baka sa huli masaktan ka ng alon na patuloy na bumabalik sayo.