Noong unang panahon ang Pilipinas ay pinagpala ng isang sanggol na babae na pinangalanang "Filipinya". Sa kanyang pakikipagsapalaran at paglaki, alamin natin kung paano nya nabuo ang pagmamalaki sa lahing Pilipino, pagkamakabayan at diwa habang nagbibigay ng inspirasyon sa iba.
Sa pakikipagsapalaran ni Filipinya ay kasama niya ang kanyang malalapit na kaibigan at pamilya habang kinakamit niya ang tagumpay, husay, at tiwala sa sarili. Hindi nagtagal, naging inspirasyon siya ng lahat ng tao sa Pilipinas.
Sa isang liblib na baryo malapit sa Enchanted River sa Surigao del Sur, silangang bahagi ng Mindanao, Philippines. Sa bukid kung saan ang mga bubuyog ay gumagawa ng pulot, maraming pinya, saging, niyog, Sampaguita, at iba pang prutas na matatagpuan sa Pilipinas at syempre mga isda at iba pang produktong pandagat.
Filipinya - pitong taon hanggang labing dalawang taon sa unang bahagi ng kwento. Pinangalanan siya ng kanyang ama na Filipinya dahil sa kanyang nakakatuwang buhok na parang Pinya. Hilig niya ang pagkanta, ngunit hindi siya nabiyayaan ng magandang boses. Gayunpaman, lumaki siya na isang maawain at masipag na babae.
Coco - kaibigan ni Filipinya, itinuturing niya na parang kuya, matanda sa kanya ng 3 taon. Coco ang tawag sa kanya ng mga tao dahil sa kanyang ulo na parang "coconut". Magaling siyang kumanta, pangarap niyang bumuo at mamahala ng isang banda.
Treet - matalik na kaibigan ni Filipinya, mag kasing edad sila, matangkad siya na "parang Tree", kaya tinawag siyang "Treet." Bagama't ang mga babae ay hindi nakakagawa ng pinakamahusay na desisyon, meron paring leksyon na matututunan.
Spud - nakababatang kapatid ni Filipinya ng isang taon. Maliit lamang siya, ngunit magaling ang memorya, at nangangarap siyang maglaro sa PBA baling araw.
Nanay at Tatay ni Filipinya - nagturo kay Filipinya ng mabuting asal at kaugalian.
Lolo at Lola ni Filipinya - makabayan, at nagturo sa kanilang pamilya tungkol sa kaysayan ng Pilipinas.