Bakit ganun ang tao? Malalaman lang yung halaga ng isang tao sa kanya pag nawala na ito. Bakit hinintay pa niyang mawala yung taong yon bago niya malaman na mahalaga pala ito sa kanya? Gaano ba talaga kahirap mag pahalaga ng taong MAHALAGA SAYO? Ikakamatay mo ba pag iningatan mo siya? Dapat nga, habang nasayo pa siya, pag ingatan mo siya. Dahil di mo alam kung hanggang kailan siyang nasa tabi mo, di mo alam kung hanggang kailan siya magpapakatanga sayo.. Di porket sinabi niya sayong di siya susuko sayo, makakampante kana.. Lahat ng tao, napapagod. Lahat ng tao, gustong maramdaman na mahalaga din sila.. Kaya ikaw? Kailan ka kikilos? Hangga't nasayo pa, ingatan mo na. Baka magulat ka nalang, magising ka.. WALA NA SIYA.