Naranasan mo na bang mabuhay sa bangungot ng nakaraan? Na kahit anong gawin mong pagtakas ay pilit kang hinahabol nito? At pati ang mga pagkakataon sa buhay at ang mga tao sa paligid mo ay tila ba hinihila ka sa masamang nakaraang iyon? Maaaring mabuhay tayo sa bangungot sa iilang bahagi ng buhay natin, ngunit ang lahat ay may hangganan, lahat ng masasamang pangyayari ay mapapalitan ng magagandang alaala, ang madudumi ay malilinis, at ang dilim ay liliwanag. At tayo ay makakaahon sa putik. Lahat ay posible, sa piling ng Diyos Ama sa langit. Ngunit paano kung sa isang banda, na kung saan ay inaakala nating nailagay na ang lahat sa tama, pati ang mga tao sa paligid nating tunay na nagmamahal sa atin at kasama sa kasalukuyan ay bahagi pala ng nakasusuklam na nakaraan? Nanaisin mo pa bang mabuhay? Makakabangon ka pa ba sa pagbagsak mula sa pagkaka-kapit sa mga taong inakala mong nag-angat at nag-bangon sa'yo? Ganito ang nangyari kay Cassie at tunghayan natin ang kanyang buhay.