Wala. Okay lang magsabi ka ng "Wala" kung talaga namang walang-wala. Pero huwag mo rin namang sanayin ang sarili mo sa pagsabi ng "Wala" kung talagang hindi naman pala! Kasi alam mo kung ano'ng magpapalala? Yung malaman ko isang araw na MERON naman pala pero panay ka tanggi at sabi ng "Wala, wala!" Wala. Okay lang magsabi ka ng "Wala", basta yung totoong "wala" as in sagad sa pagka-wala, wagas ang pagka-wala, sukdulan sa pagka-wala!!! Wala. Oo, okay lang sa akin na sabihan mo ko ng "Wala!" Kahit ilang beses mo pa akong tanggihan gamit ang apat na letrang salitang yan na "wala". Basta sana huwag kang masanay sa pagsabi at paggamit ng salitang "wala". Wala. Sana dumating yung panahon na mawaglit sa arawang bokabularyo mo ang ibig sabihin ng salitang "wala". Sana dumating yung araw na mapagod ka kakasabi ng "Wala!" at ma-realize mong MERON naman pala!!! P*t@#% ina! Oo, meron naman talaga pala pero "Wala" ka nang "Wala!" Yung kahit na dama kong MERON ay todo tanggi ka gamit ang salitang "Wala!" Sana wag dumating yung panahon na ako naman ang gagamit ng "wala"... "wala na akong pagtingin"..."wala na akong lakas na umamin"..."wala na akong pag-ibig na pagyayamanin... "Wala"...