Every girl's dream is to find her own prince charming. I'm willing to wait for him sa tamang panahon, gaya ng payo ng isang tele-serye sa isang palabas tuwing tanghali sa telebisyon. Lahat ng pag-iingat at pag-iwas sa temptation ay ginawa ko na. House-school at schoolhouse ang weekdays routine ko. Buong araw sa loob ng bahay during weekends. As in super extra ang pag-iingat ko. Kaya ko kayang panindigan ito? Paano kung dumating ang isang pagkakataon na hindi ko inaasahan? Pagkakataon na wala sa mga plano sa buhay ko? Kaya ko kaya ito malagpasan? Eh, paano kung hindi? Ano ang gagawin ko? Paano kung may dumating na isang prince charming pero hindi pa sa takdang panahon? Na ang akala kong knight and shining armour ay s'ya rin sisira sa lahat ng pangarap ko? Makakayanan ko ba kung bigla s'yang maglaho sa oras na kailangan ng tulong? Haharapin ko ba o tatakasan na lang?