TADHANA Sa hindi inaaasahang pagtatagpo ng mga mundo.. May minsan lang na nagdugtong, damang dama na ang ugong nito.. Di pa ba sapat ang sakit at lahat, na hinding hindi ko ipararanas sa'yo? Ibinubunyag ka ng iyong matang sumisigaw ng pag-sinta.. Ba't di pa patulan ang pagsuyong nagkulang? Tayong umaasang Hilaga't Kanluran.. Ikaw ang hantungan at bilang kanlungan mo, ako ang sasagip sa'yo.. Saan nga ba patungo? nakayapak at nahihiwagaan na.. Ang bagyo ng tadhana ay dinadala ako sa init ng bisig mo.. Ba't di pa sabihin, ang hindi mo maamin? Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin? 'Wag mong ikatakot ang bulong ng damdamin mo.. Naririto ako't nakikinig sa'yo..All Rights Reserved