Best friend? sila ung taong lagi nandyan para sayo. Ung taong handa ka samahan malungkot ka man o masaya, parang kapatid na nga turingan nyo sa isa't isa eh dahil alam nya lahat lahat about sayo. Madalas pa nga pagkamalan kayo ng ibang tao na mag Syota sa sobrang ka sweetan niyo. Pero wala kayong pake sa sasabihin ng iba dahil alam niyo sa sarili nyo Mag Best friends lang kayo Partner in crime, peksman taga mo sa bato walang iwanan, BFF's Forever mga kadalasang sinasabe nyo sa isa't isa. Pero pano kung one day ung akala mo hindi ka nya iiwan, ung akala mo hanggang pag tanda ay nasa tabi mo sya, ung taong akala mo makakasama mo pa ng mahabang Mahabang panahon, ay bigla nalang mawala ng di mo inaasahan. Ung tipong Parang di ka na nya kilala at di ka nag eexist sa mundo. Bigla ka nalng iniwan na parang basura sa hindi malamang dahilan. Masakit oo lalo na kung ung taong un ung taong lihim mo ng minamahal ng mahabang panahon. Ang taong kumukumpleto sa bawat araw na nabubuhay ka sa mundong ito, ung taong bukang bibig mo lagi kahit Best friend mo lang sya, kakayanin mo kaya? kakayanin mo pa ba syang kalimutan ng ganun kadali? paano ka mag momove on kung sya lagi ang natakbo sa isip mo...
1 part