One method of identifying werewolf in its human form was to cut the flesh of the accused, under the pretense that fur would be seen within the wound. Nakakita ako ng mga matang nakatingin sa akin mula sa gubat at halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng malanghap ko sya. Malansang dugo. Silver ang mga mata nya at hindi ko akalain na makakakita ako dito ng isa sa loob ng isang pack. "Kurt!" Naisigaw ko na ang pangalan ni Kurt bago pa man makita ng mata ko kung sinong bumasag ng salamin, kasabay nun ang paghampas ng katawan ko sa pintuan na ilang dipa ang layo mula sa bintana. Nakarinig ako ng mga yabag, at tila nakakarinding mga sigaw. Nakaramdam ako ng hapdi mula sa aking mga braso at duon ko lang napagtanto na hawak ako ng vampirang pumasok ng aking kwarto. Bumaon ang mga kuko nya sa braso ko, at tila lumanghap sya ng hangin bago maging dark gray ang kanyang mga mata. Ngumiti sya ng malawak at duon ko naaninag si Kurt na naging wolf bago ako tumalsik palayo. Nakita ko na lamang na nakikipaglaban si Kurt sa bampirang iyon, at duon ko din na pansin na may silver syang kwintas. Agad akong tumayo at hindi ko na alam ang ginawa ko. Dahil ang gusto ko lang naman sanang gawin ay kuhain yung silver pero naging worst ang kinalabasan. Nakita ko na lang na hawak ko ang ulo ng vampira at tila kahoy na natumba ang kanyang katawan, pagkatapos kong kumurap. Hawak ko din ang silver na tila parang lumalapnos sa aking balat. "Gail." Nakarinig ako ng ingay at nabitawan ko ang ulo ng makita ko ang lahat ng taong nakatingin sa akin. "Kukunin ko lang dapat yung silver." Mahina kong sabi at nagsimula akong umatras. Napahikbi ako at yumuko. "Halimaw na ba talaga ako?" Nag umpisa akong umiyak at ulit naramdaman ko ang pagtibok ng aking puso na hindi ko na raramdaman kanina.All Rights Reserved