Cease the moment - Yun ang pangako ni Andrea sa sarili nya. Sa bawat minutong nabubuhay sya at sa bawat araw na ibinibigay sa kanya ng Diyos, gusto nya itong gamitin upang magawa ang mga bagay na hindi pa nya nagagawa noon. Isa na dun ang ma in love. Pero bata pa si Andeng at kaka graduate lamang niya sa college - Bakit sya nag mamadali? Dahil hindi alam ng karamihan na ipinanganak si Andrea na may sakit sa puso. Hindi pa naman sya mamamatay ngunit hindi rin segurado kung hanggang kailan ang panahong ibibigay sa kanya na mabuhay sa mundo. Diyos lang ang may alam. Ngunit hindi ito magiging hadlang upang magawa ni Andrea ang mga gusto nyang gawin. Malakas ang paniniwala nya na somewhere out there or malamang nasa may White Plains lang o di kaya sa Taguig - may isang prinsepeng naka tingala sa talang minamasdan nya at pinag dadasalan nya gabi-gabi.