Sa lahat ng napagdaanan niya sa buhay, makakayanan niya pa kayang umahon? Sa lahat ng taong nanloko at nanakit sa kanya, makakayanan niya pa kayang magpatawad? PERO paano na lang kapag may isang taong susulpot sa buhay niya na handa siyang tulungan para umahon, para magpatawad, pero higit sa lahat, MAGHIGANTI. Tatanggapin ba niya ito? PERO paano pala kung ang taong ito din ang magiging dahilan ng pagdurusa niya sa huli? Ang taong ito ang lubos niyang mamahalin. Ang aalayan niya ng lubos na pagmamahal. Is he deserving for her Devoted Affection?
Naniniwala ka bang kaya mong mag- move on sa paglipas ng panahon? O sadyang isang malaking katanungan ang lahat para sa 'yo? Makakaya mo kayang ibalik ang lahat sa umpisa kung saan mo siya minahal at ipinaglaban?
Paano kung isang araw bumalik 'yung taong iyon sa hindi mo inaasahang pagkakataon? Na siya lang mismo ang may kakayanan upang manumbalik ang lahat nang nawalang masasayang ala-ala at muling malasap ang sariwang sakit na nagtatago sa puso mo?