Mahal ko ang Gabi Bulalakaw sa langit Katahimikang umaawit Ilaw at musika sa aking pagpikit Maging ang ulan ay mahal ko rin Kahit di maaninaw ang tala sa dilim Dampi sa balat ng malamig na hangin Lunas sa naging sugatan kong damdamin Nasanay ako sa gabi at ulan Ang dilim at lamig ang aking katuwang Hanggang kailan kaya ako mag-aabang Sa taong pares ko na sa akin ay magmamahal? Pagkatapos ng gabi ay uusbong ang umaga Titila ang ulan at muling sisikat ang araw Sa tamang panahon hihilom aking sugat At sa ilalim ng araw tayo ay magtatapat. Ang umaga at araw ay handa kong mahalin Tulad ng pagsinta ko sa gabi at dilim Maging sa tanghali ika'y yayakapin Mahigpit aking kapit wag mo lang lilisanin.All Rights Reserved