Through the Lens of a Rose
14 parts Complete MatureWala sa plano ni Martha ang maging modelo-lalo na't ang unang hakbang niya sa mundong 'yon ay dahil lang sa isang estrangherong may camera at misteryosong titig. Isang ordinaryong dalaga lang siya, nagtitinda sa plaza, hanggang sa makilala niya si Raze-isang tahimik pero intense na photographer na tila laging may tinatagong kwento sa likod ng kanyang mga mata.
Habang sunod-sunod ang mga photoshoots at lumalalim ang koneksyon nila, unti-unting natutuklasan ni Martha ang mundo sa likod ng lente-hindi lang ng kamera, kundi pati ng damdamin ni Raze. Pero paano kung may isang Abril na biglang pumasok sa eksena? Maganda, confident, at tila alam ang lugar niya sa buhay ni Raze.
Sa pagitan ng mga kuha ng kamera, masasaktan siya, mai-inlove, at magdadalawang-isip kung totoo pa ba ang mga titig at ngiti sa kanya-o isa lang siyang subject sa isang proyektong matagal nang nakaplano.
Istoryang puno ng kilig, sakit, at mga "paasa" na hindi mo alam kung dapat bang paniwalaan o iwanan.