Athalia Gayle Flores - maganda, mabait, matalino, muse sa kanilang campus, pero pag dating sa love life siya pa yung laging naiiwan, nasasaktan, at natatalo. Travis Jayz Mendoza - gwapo, matangkad, matalino, varsity sa kanilang campus, minsan bigo sa love life pero madalas siyang mag kamali at ma fall sa iba. Perfect Relationship, yan ang kadalasang sinasabi ng iba sa tuwing makikita silang magkasama. Maganda si Athalia, gwapo naman si Travis. Kinaiinggitan sila ng lahat, may mga humahanga pero syempre hindi mawawala ang haters Gayon pa man ay hindi na lamang iyon pinapansin ng dalawa. Pero dumating yung araw na hindi inaakala ng lahat. Ang akala nilang perfect relationship ay nauwi sa hiwalayan. Maayos pa kaya ang relasyon nila? O merong sisingit na iba?