Naglalakad si Xyzen sa isang madilim na daan ng nag-iisa dahil galing sya sa school nya at talagang pagod na pagod na sya sa mga school activities idagdag pa ang boring nyang buhay ng biglang tumama ang isang napakalakas na kidlat sa lupa. Buti na lang hindi sya tinamaan nung kidlat dahil alam nyang ikamamatay nya ito. Makalipas ang ilang sandali sinubukan nyang lumapit sa liwanag na nakikita nya. Napaka-lakas nung kidlat dahilan para magkaroon ng malaking crater ang kalsada. Ang nakapag-tataka lang, walang kahit sinong nakakita bukod sakanya. Para bang huminto ang oras. Dahil dun, lumapit siyang dahan-dahan pero laking gulat nya ng may makita syang anino ng isang taong naglalakad palabas sa liwanag. Mabilis ang paglalakad nito anupa't tumatakbo na ito! Tumakbo ito at mabilis na humarap kay Xyzen ang isang napaka-gandang babae. "Hi!" Bati nito kay Xyzen. Sino ang babaeng ito, saan sya nanggaling at anong pakay nya sa mundo ng tao?