7 Partes Concluida Enzo Ravilla-- mahigit sa dalawang taon na niyang mahal ang babeng pinapangarap niyang hintayin sa altar at maging asawa. Pero, bakit nga ba ganon? Yung taong akala natin na makakasama natin sa dulo ay ay yung taong iiwan din naman tayo sa dulo? Siya rin pala yung mananakit sa atin nang hindi natin inaasahan.
Sa loob ng dalawang taon na relasyon nila, hindi perpekto ang lahat ng iyon at bigla na lang mawawala dahil sa isang kasinungalingan. Nang magkahiwalay sila, lahat ng paraan para makahilom ay ginawa na ni Enzo ngunit.. May kaisa-isang babae na kayang magpagaling dito kahit siya mismo ay hindi kayang pagalingin ang sariling sugat sa puso. Pag-ibig. Pag-ibig ang tanging gamot sa puso nilang sira. At ang pag-ibig na ito, basta basta ka na lang guguluhin at lilituhin. Magugulat ka na lang na bukas, tinamaan ka na sa taong ayaw mong gustuhin. Lintik kasi ang pag-ibig. Lintik na pag-ibig.