Minsan ka na nga lang magtiwala, yung sa hindi mo pa nakikita. Minsan ka na nga lang mainlove, sa malayo pa. Minsan ka na nga lang maging masaya, yung sa hindi mo pa laging nakakasama. Minsan ka na nga lang maging inspirado, doon pa sa hindi ka sigurado.
Sabi nila, pusong diyamante raw ako. Sobrang hirap kunin. Maraming manliligaw na malapit lang sa akin, yung pwede kong makasama lagi. Pero hindi ko inaakala na mahuhulog ako sa isang lalaking malayo sa tabi ko. Pinilit kong pigilan, pero hindi ko kaya. Pilit kong ibinaling sa iba, pero siya lang talaga.
Totoo nga ang sabi nila.
"Expect the Unexpected."
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.