Meet Alexandra Monique Antiquina. Maganda pero walang bilib sa kanyang sariling kagandahan, walang self-confidence, hindi masyadong matalino, mahiyain, simpleng babae na may simpleng pangarap sa buhay at yun ang makatapos ng pag-aaral without failing any subjects dahil mahirap ang napili niyang course at hindi dapat ma love dahil para sa kanya ang mga lalaki ay matitigas ang ulo at mga pasaway. Yun lang at wala nang iba pero yung simpleng pangarap niya ay magiging komplekado dahil sa lalaking makakapagpabago sa kanyang simpleng pangarap.
Meet Bryle Nicon Santillan. Gwapo, chick-magnet, two-timer minsan,sikat, cassanova, basketball player, matalino, mayaman, at palabiro. Ngunit sa kabila nang ugaling ipinapakita niya ay ang nakaraang ayaw na niyang pag-usapan pa at pilit ibinabaon sa limot. Ipinangako niya sa sarili niya na wala siyang seseryosohing babae sa tanang buhay niya at para sa kanya ay mga laruan lang ito
Paano kung magkakilala sila at sa isang iglap ay mabago na lahat?All Rights Reserved