Nasa elementary pa lang si Alessandra o mas kilala bilang Alex ay may gusto na siya sa kanyang kababata at family friend nila na si Josef, kaya nga lang ay parang hindi naman siya nag i-exist sa buhay nito. Paano nga ba siya mapapansin nito e isa lang naman siyang nobody. Ni hindi nga niya pinaparating dito ang feelings niya,eh. Ayaw lang naman kasi niyang matulad sa ibang babae na kulang nalang maghubad sa harapan ni Josef para lang mapansin ngunit ang ending naman ay basted. Minsan na siyang binalewala nito kaya hindi na niya gustong maulit pa 'yon. Pero si fate na talaga ang gumawa ng paraan. For the first time in history ay naging magka klase sila ni Josef. Naging tutor siya nito, naging sagot sa mga exam at quiz nito at higit sa lahat ay naging kaibigan. Sasabihin pa kaya niya ang damdamin niya dito kahit alam niyang lalayuan siya nito? "ang kaibigan ay kinakaibigan lang. Hindi ginagawang dyowa."