Para sa kanyang, itinuring akong prinsesa
Para sa kanyang nagsakripisyo makuha lang ang sagot kong “oo”
Ang laging napapasaya sakin
Ang laging umuunawa sa katoyoan ko
Ang laging nandiyan sa tabi ko pag malungkot at pag may problema ako
Ang laging nagbibigay sakin ng positive energy
Ang laging yumayakap sakin na parang wala ng bukas
Ang laging nagmamahal sakin ng todo todo.
Ang laging nangangakong hindi ako iiwan at sasaktan.
Ang laging gumagawa ng effort mapasaya lang ako kahit na sa mga simpleng bagay.
Asan ka na? Kilala pa ba kita? Sino ba itong kasama ko ngayon?
Hindi na kita kilala, lahat nagbago, lahat ng dating ikaw nawala, hindi ko alam ang pagkukulang ko bakit bigla ka nalang nagkaganyan.
Nananahimik
Pangiti ngiti
Nananahimik
Pangiti ngiti
Wala akong sagot na narinig sa tanong kong “bakit?”
Bakit nga ba? Bakit ka nag iba, hindi mo man lang naisip kung paano tayo nagsimula, itinapon mong lahat ng pinagsamahan natin sa hindi ko malamang dahilan.
Pinipilit kong ayusin pero hindi ka na din gumagalaw, nakatingin ka nalang sa akin at pinapanuod habang binubuo ko ang nasirang tayo.
Hindi kita maintindihan, ayaw mo akong mawala pero hindi ka gumagawa ng paraan para manatili ako.
Sa pagtagal ng panahon. Lalo lang lumalala ang sitwasyon, kaya kailangan ko ng bumitaw, lumaban ako para sa atin habang pinapanuod mo lang ako sa pakikipaglaban ko.
Ayaw kitang mawala pero ikaw na ang lumalayo.
Ano ang gagawin ko? Ano ang gagawin ko sa sitwasyong hindi ko alam ang patutunguhan? Nandiyan ka, nandito ako pero parang may isang napakataas na harang na pumapagitan sa atin, hindi na natin marinig ang bawat isa kahit magkaharap lang tayo.
Kahit sabihing nandiyan pa ang pagmamahal na haligi ng relasyon natin, hindi na din ito matibay dahil wala na ang tiwalang nagsisilbing pundasyon nating dalawa.
Pero umaasa ako, umaasa akong maaayos din ang lahat.
Sana
Sana.
Para sa’yo.
Para sa’yo na mahal na mahal ko