"Kaya mo bang mabuhay sa bilangguang pati ang umibig ay ipinagbabawal?" Si Emerald Euxine ay isang dalaga na mula sa marangyang pamilya. Wala siyang ibang hangad kundi ang makasama si Gerad, ang lalaking nagligtas sa kanya noong bata pa siya. Magbabago ang kanyang buhay nang sa mismong araw ng kanilang kasal ay dakpin siya at hatulan ng pagkabilanggo sa Venus. Ang Venus ay ang natatanging bilangguan sa kanilang kaharian. Marami ang naniniwala na lungga iyon ng mga leon dahil wala pa sa mga naipasok doon ang nakalabas ng buhay. Sa kabila ng masamang imahe ng bilangguan, umasa si Emerald na ligtas siyang makalalabas. Sinabi kasi mismo ng kasintahang si Gerad na ang kulungan ay hindi talaga lungga ng mga leon kundi isang lugar na nagtuturo at nagbibigay ng pag-asa sa mga kriminal. Ngunit sa kanyang pagpasok, malalaman niya na ang pag-asang iyon ay isa lamang kasinungalingan. Madarama niya sa loob ang kalupitan ng mundo. Matitikman niya rin ang di pagkakapantay-pantay. Sa loob din ay makikilala niya si Nikela, isang lalaki na magtuturo sa kanya na muling umibig, subalit mararanasan lamang niya kung paano pigilan ang pag-ibig na iyon na nais niyang ipagsigawan. Magiging malaya pa kaya si Emerald?
78 parts