Usap - usapan sa aming lugar ngayon ang ang tungkol sa isang bangkay ng lalaking natagpuan na nakasabit sa ibabaw ng isang punong - kahoy. Wakwak ang tiyan at wala ng mga lamang loob. Nagtataka ang mga tao kung sinong adik ang gumawa nun sa kanya. Kahit mga pulis ay di rin malaman ang dahilan. Sabi ng mga doktor ay gawa raw ito ng isang hayop. May ilan namang nagsasabi na gawa daw ito ng isang adik na kalaban ng taong iyon ngunit walang masyadong ebidensya. Sabi naman ng mga matatanda sa aming lugar ay nagbalik na ang delubyo na matagal ng hindi nanalakay. Ngunit ako, pake ko sa mga balitang iyon... ang mahalaga ay hindi ako kasangkot sa patayang iyon.