Kwento ito ng taong napakatatag, lahat ng makakaya niya ay ginagawa na niya para sa mahal niya, he is once so strong, pero mahuli'y hindi na din niya ito nakaya, ito ang kwento ni Cloud, ang kwento ko, ang taong tinatago lang lahat ng mga nararamdamang sakit... Sa Loob ng Aking Puso.
-Edgar Cloud Arcanas-
Nabuo ko ang kwentong ito nung mga panahong nagbabasa ako ng mga kwentong merong masasakit na pinagdaraanan, dun ko naisip na bakit hindi ako gumawa ng kwentong grabe ang pinagdaanan ng isang tao, at para maiba nga, lalake ang ginawa kong bida, nasaktan siya ng ilang beses, nasaktan ng sobra, at sa huli'y hindi na niya kaya, meron ding ilang parte nito ay naranasan ko talaga, minsan din akong nasaktan, pero hanggang ngayon ay hindi ako sumusuko; gusto ko lang iparating dito sa kwentong ito na, wag sanang abusuhin ang mga taong tunay kung magmahal sa inyo, pare-pareho lang tayong tao. Isa pa, makabago na daw ang panahon ngayon, kasi babae na daw ang minsan na nanloloko, dati ang problema ay manlolokong lalake, ngayon kabaliktaran? Mas grabe pa, kasi grabe magpaasa, teenage lang naman, nabuo ko din to para sa mga babaeng o lalakeng manloloko, kasi tandaan niyo, pag kayo nakarma ng pag ibig, makikita niyo ang sakit na nadulot niyo sa madaming naloko niyo.
Hope maenjoy niyo ang story :) Madrama ang kalagitnaan nito. Meron din pala itong season 2, ayoko din naman kasing tragic ang pinakaending ng mga story ko.
-Makatang_Romantiko-
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.