Tahimik sya palagi na naka-upo sa may balkonahe ng kanyang bahay. Palaging nakatingin sa kawalan at hinahayaan ang kanyang imahinasyon ay malayang maglakbay. May lungkot sa kanyang mga mata, nagpapahiwatig ng kalungkutan ng kanyang nakaraan. Siya si Lolo Anastacio, ang aming byudong kapitbahay. At sa aking pakikipag-usap sa kanya ay marami akong natuklasan.
1 part