Sabi nila kapag nag mahal ka lahat gagawin mo, lahat ibibigay mo pero paano kung ang hilingin niyang PALAYAIN MO NA SIYA? Mabibigay mo ba? Kahit mahal mo pa siya? Ganito ba talaga pag nagmamahal? Martyr at Tanga? At hindi mo na alam kung ano ang tama at mali.. Sabi nila kapag mahal ka ng isang tao kahit gaguhin, iwasan, pabayaan, saktan at iwanan mo siya ng paulit ulit basta't mahal ka isang " sorry " mo lang at ika'y kaniyang mapapatawad.. At dahil mahal ka niya, kahit maliliit na efforts ang iyong binibigay papahalagahan niya. Kahit maghanap ka ng iba, hindi parin siya susuko Kahit na ilang beses mo siya itanggi sa tropa mo, ipagsisiksikan niya parin ang sarili niya Ibinigay na niya lahat sago, pero para sayo kulang pa, Bakit ganon? Eh pwede naman na niyang iwan ka na dahil alam naman niya sa sarili niya na nasasaktan siya. Pero bakit? Bakit hindi parin siya sumusuko? KASI NGA MAHAL KA PARIN NIYA.