
Sa buhay natin, maraming nangyayaring hindi natin inaasahan. Maraming problema, maraming taong mananakit sa atin at maraming beses tayong magiging luhaan . Pero sa buhay dapat lahat yan ginagawang lakas at hindi dinidibdib. Dahil lahat ng bagay na yan ay may rason para may matutunan tayo sa ating mga karanasan. Lahat ng problema dapat nginingitian at hindi tinatakbuhan. Marami mang pagsubok wag mag-alala dahil may mga taong nandyan sayo para damayan at pangitiin ka. Oo maraming mananakit sayo pero hindi ibigsabihin kailangan mo ng magalit sa mundo at sayangin Lang Ito sa sakit at galit. Hindi lahat ng pagbabago ay masama at di lahat ng dumadating ay di makakabuti sayo pero di mo alam ito yung magpapalakas sayo at tuturuan kang mag tiwala sa ating Panginoon.Seluruh Hak Cipta Dilindungi Undang-Undang