Panimula Ang nakaraan at ang kasalukuyan. Malaki ang kanilang agwat sa panahon at oras. Maraming mga larawan ang naglilitawan na pwede nating tingnan para alalahanin ang nakaraan. Maraming pagkakataon ang mangyayari na pwedeng maka paalala sa atin noon, minsan ito'y nagpapaisip sa atin na mas maganda ba ang panahon noon kaysa sa panahon sa kasalukayan na hindi na natin masyadong maintindihan ang mga pangyayari. Sa mga librong nagsilabasan ngayon ang sentro ng atraksyon ay ang mga storyang tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao. Kung paano si nagkatagpo, mas nakilala ang isat isa, kung paano sila nahulog, umibig at nasaktan dahil pinagkalayo ng tadhana. Pero paano pag ang librong iyong binasa ang magdadala sayo sa panahon at pangyayari na nakasulat sa kanyang loob ? Ikaw na nagbabasa nito ang magiging karakter sa storyang nakasulat sa kanya. Ang pagkakaiba hindi sa ating panahon ngayon, Ika'y napunta sa panahong hindi mo akalaing ika'y makakabisita at makakatapak pa. Sa panahong lahat ay hindi mo kontrolado, pati ang pagkahulog ng iyong puso. Gugustohin mo pa bang bumalik sa kasalukuyan ? Kung ang kaligayahan at pagmamahal na iyong kailangan ay sa nakaraan mo lang nakita at naramdaman ? Mananatili ka ba sa panahong hindi ka doon nabuhay at di ang iyong nakasanayan ? Na ikaw ay isang kathang isip lamang sa panahon na iyan.