Alalang alala ko lahat ng nangyari nung gabing 'yon . Lahat . Kung gaano kalakas yung mga sigawan namin nun . Kung paano kami magmakaawa sa nilalang na 'yon . Kung paano kami halos gumapang para makatakas . Kung gaano kalansa ang naamoy namin dahil sa mga nakakalat na laman ng aming mga kaibigan . Kung paano kami unti unting patayin . Kung gaano kasakit lahat ng iyon . Kung paano kami matakot at kabahan nung mga oras na yun . Kung paano humalakhak ang nilalang na yun sa ginagawa samin . Lahat ng masasamang alaala na iyon malinaw na malinaw pa rin sa isip ko . Yung tawa na iyon na tila lagi ko na lamang naririnig kahit saan . Wala siyang puso ! Hindi siya isang tao ! Isa siyang demonyo ! Demonyo siya ! Demonyo !