Hindi ‘ko alam kung bakit siya ang naging First Boyfriend ‘ko. Nakalimutan ‘ko yata yung promise ‘ko sa sarili ‘ko na “My First Boyfriend should be special” nung nakilala ‘ko siya. Pero ang boyfriend kong yun ang pinakakaiba sa lahat ng lalaking nakilala ‘ko. Lahat na yata ng ayoko sa lalaki ay nasa sa kanya. Umiinom, naninigarilyo, basagulero, makulit, hindi nakikinig, mayabang, at mahilig sa dota. Pero bakit kaya hindi ko pinagsisisihan na siya ang naging First Boyfriend ko? Paano na yung promise ko? Deserving ba siyang maging First Boyfriend ko? Or He's more than enough to become special in my life?