Paano gumawa ng maikling kwento? Una, isipin mo muna kung bakit ka gagawa. Syempre para sa sarili mo di’ba? Yung matutuwa ka. Pang-alis umay o kaya naman hindi mo lang talaga mapigilan ang sarili mong gumawa. (sarcastic tone) Yung klase na may nakita kang kumakain ng kwek-kwek, gusto mo na ding ikut-ikutin ang mundo ko at paniwalaing kulay orange lang ang lahat ng kwek-kwek. And speaking of that, grabe, Brad! Nakulong ako sa paniniwalang lahat ng kwek-kwek, orange! Tapos nung lumabas ako sa kwentong binuo mo sa isip ko, ahhh, marami pa pala. May blue, red, pink, green, ahhh, hindi lahat katulad ng kwento mo! Predictable! Hmmm. Kalma, kalma... Sa kwentong ito, broken-hearted ako,oo. Pero bitter? Noooo! HINDI AKO BITTER. HINDI talaga.