Isang kaayaayang panahon ng bakasyon, ang lahat ay naghahanda para sa isang kapanapanabik na training camp. Sa kabila ng aking kasiyahang nadarama, hindi ko akalain ang mga bagay na mangyayari sa aking kauna-unahang pagsabak sa aktibidad na ito. Ang lahat ay nag-iba, ang pagtingin ko sa mundo at maging sa sarili ako. Hindi ko akalain na mararanasan ko ang isang karanasan na kahit sino ay hindi gugustuhin na mangyari sa kanila. Kaya ko pa bang kalimutan ang mga pangyayaring ito? Paano ko na haharapin ang bukas? May dumating kaya sa buhay ko na magpapabago sa nagulong buhay ko?