Love Is A Social Construct
  • Reads 46
  • Votes 0
  • Parts 3
  • Reads 46
  • Votes 0
  • Parts 3
Ongoing, First published Oct 19, 2015
Hindi ko alam kung bakit naimbento ang pag-ibig. Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang pakiramdam kapag umiibig. Para itong pinagsasamang emosyon na hindi maipaliwanag ng mga salita. Nararamdaman mo pero hindi mo mailarawan. Nanunuot sa bawat laman, dumadaloy sa ugat na parang dugo at parang buto na kailangan para makagalaw.

Hindi ko alam kung bakit gusto ng mga taong umibig. Bakit nila gustong magmahal? Bakit nila hinahanap? Bakit gustong maranasan? Iniibig ka ng pamilya at kaibigan pero bakit kailangan pa ng higit na pag-ibig? May hihigit pa ba sa binibigay ng nagmamahal sayo?

 Bakit may "standard" sa pag-ibig? Bakit ang babae ang dapat nililigawan? Bakit dapat lalaki ang unang nagbibigay ng motibo? Kapag nauna ang babae, ang tawag sa kanya, "malandi". Kapag naman nagpakipot, "hard to get". Bakit kailangang may tsokolate at rosas tuwing ligawan? Hindi ba sapat ang presensya na lang? Bakit babae at lalaki lang ang pwedeng umibig? Bakit hindi pwedeng babae at babae? Bakit hindi pwedeng lalaki at lalaki? Bakit may bakla at tomboy? Bakit may lalake? Bakit may babae?

Hindi ko alam. Pero tinatanong ko ang lahat ng iyan dahil kailangan ko ng kasagutan. Ako ay umibig at patuloy na umiibig. Gusto kong magmahal, pero takot akong masaktan. Napagod akong maghintay kaya ako ay naghanap. Nasaktan ako at patuloy na naghahanap. Masaklap ang umibig pero patuloy na hinahanap. Nasaan ang pag-ibig? Paano ang umibig? May iibig ba sa isang bakla? Kapag umibig sa bakla ay bakla na din ba? Hindi ko alam. Pero naghahanap ako ng kasagutan.
All Rights Reserved
Sign up to add Love Is A Social Construct to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
My Psycho Billionaire cover

My Psycho Billionaire

58 parts Complete

AUDITION GONE WRONG! Macey Ela Sandoval aspires to be a singer. Instead, she ends up in The Search for 7 Wives- a harem reality game, designed by the insanely gorgeous Panther Foresteir, who's dubbed as the crazy billionaire. When Macey Ela Sandoval, a 26-year-old boyish, feisty, and optimistic heiress of one of the country's famous and wealthiest families wants to pursue her dream to be a singer, she decides to audition for a singing contest. But on the day of the audition, she ends up in the queue for this weird reality game called "The Search for 7 Wives". Even if it is against her will to join, she has no choice but to be part of it. Macey does everything to fail. She has no plans of marrying the crazy billionaire, Panther Foresteir, no matter how handsome or wealthy he is. Will the crazy billionaire win the heart of Macey or will they just play with each other's feelings? Well, it is just a game after all. Red Note Society Leader | Stand-alone story | JFstories DISCLAIMER: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog & English. COVER DESIGN: Regina Dionela