Flashbacks

Flashbacks

  • WpView
    Reads 160
  • WpVote
    Votes 8
  • WpPart
    Parts 4
WpMetadataReadOngoing
WpMetadataNoticeLast published Fri, Apr 19, 2013
Bawat tao ay may kanya-kanyang kaibigan na kasama sa bawat parte ng buhay nila. At sa mga kaibigan nila ay may mga pangyayari na hindi kayang kalimutan at mananatili sa puso nila. Kahit masakit man o masaya. Mga kaibigang kaagapay kahit sa mga mapapait at masasayang araw sa buhay mo. Iba-ibang uring kaibigan meron tayo. May isang baliw, tanga, masungit, minsan naman masayahin, minsan tahimik, minsan hindi kumi-kibo, chismosa, masyadong matapang, mayabang at mahangin. Pero kahit ganyan sila umasta ay kasama parin natin sila dahil sa kanila natin naranasang maging masaya, komportable at sa kanila natutunan natin kung ano ang ibig sabihin ng salitang "Friendship". Sa mga tinuturing nating kaibigan ay nagawa natin ang mga bagay-bagay na tayo lamang ang nakakaintindi, mga bagay na masasaya at mga kengkoy, mga bagay na umabot na sa puntong hindi na tama, mga bagay na talagang hinding-hindi malilimutan. Ang sarap balikan noh? Lahat tayo ay humangad na bumalik sa nakaraan at gawing muli ang mga sandali na nagpapasaya sa atin kasama ang mga kaibigan. Bumalik sa nakaraan at tuklasing muli ang mga pangyayaring naging dahilan kung anong mayroon at kung ano ka ngayon. Pero wala tayong kapangyarihan na sa isang iglap ay babalik sa nakaraan at hindi tayo isang imbentor na gumawa ng isang time machine para pumunta sa nakaraan. Pero kung isang araw ay mangyayari ang hindi mo inaasahang mangyari, ang bagay na hinihiling ng bawat tao, ang bumalik sa nakaraan.
All Rights Reserved
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Wrong Sent! (COMPLETE)
  • In Another World
  • Without You
  • This Probinsyana
  • Show Me the Way to Your Heart (Completed)
  • Kung Pwede Lang Sana
  • Pinagtagpo pero di tinadhana
  • You're the One #watty2015
  • Mapaglarong pag-ibig
  • Angel In Disguise

Minsan akala natin 'yung mga taong nasa paligid natin ang mga taong nakakapag paligaya satin pero minsan sila pa 'yung unang nananakit satin. Kagaya sa magulang minsan nasasaktan nila tayo noong mga bata pa tayo dahil sa katigasan ng ulo natin, pero nasasaktan din natin sila mga bagay na alam natin pinagbabawal nila pero paulit ulit pa din natin silang sinusuway. Sa kaibigan, hindi maiiwasan ang asaran, tuksuhan at awayan. Kahit sa mga classmates, officemates, collegues, kapitbahay, tambay sa kanto at maging sa taong napadaan lang sa harapan mo lalaiitin mo ang suot niyang damit, ang kulay ng buhok niya, ang itsura ng boyfriend niya. Kahit hindi nila naririnig ang mga sinasabi mo, nakikita naman sa mga tingin mo ang laman ng utak mo. Wala naman kasing perpekto sa mundo, lahat nag kakamali, lahat nakakasakit, lahat marunong din magpatawad. Nasa atin lang kung pano natin pakikiharapan ang mga taong nasa paligid natin. Pero sa dami ng tao sa mundo, makikilala mo pa ba ang taong nararapat sayo? Ang taong magbibigay ng pagmamahal na inaasam mo? Hindi lang bilang anak, kapatid o kaya ay kaibigan. Isang tao na laging nariyan at magmamahal sayo ng lubos. Pano kung isang araw na wrong send ka, pero hindi mo alam na sa isang wrong sent na 'yon ay magbabago ang lahat.

More details
WpActionLinkContent Guidelines