Ang kwento na ito ay tungkol sa dalawang tao na pinagtagpo ng tadhana at hindi lang dahil sila ang nakatakda para sa isa't isa kundi dahil may mas mahalaga pa sila na layunin na kailangan nilang gampanan. Ngunit wala silang kaalam alam sa layunin nila dahil sa mga pagsubok na dadaanan nila na magsusubok sa kanilang katatagan at sa kanilang relasyon. Ito ay sina Mia at Anthony. Si Mia ay isang magandang dalaga na maliit pero maputi at hindi sya mukhang pilipino dahil sa tangos ng kanyang ilong na lagi siyang pinag aakalain na may ibang lahi siya. Si Anthony naman ay isang matangkad at makisig na lalaki ba moreno talaga at pinoy ang hitsura. Si Mia at Anthony ay parehong musician o tumutugtog ng mga musical instruments. Ngunit hindi sila pareho ng stado sa buhay at mas matanda si Mia kaysa kay Anthony at ito ang mga magiging dahilan din ng mga pagsubok na darating sa kanila para mapatatag ang kanilang relasyon.
Mais detalhes