Kailan mo ba masasabing okay na ang lahat? Pag ba nakangiti ka na araw-araw? Pag ba hindi ka na natutulala sa kakaisip ng mga bagay na nasayang? Pag ba nakahanap ka na ng iba? Pag ba sa ibang tao na umiikot ang mundo mo at hindi na sa kanya? Napaisip ako. Kailan nga ba naging okay ang lahat? Kasi... Simula nung nawala siya... Hindi naman naging okay ang lahat eh. Pero paano kung bumalik siya? Paano kung makita ko ulit siya? Saan? Sa LRT? Sa pedestrian lane? Sa isang rambulan sa may kanto? Sa may coffee shop malapit sa inyo? Saan? Mangyari naman kaya 'yon? Malay mo. SIGURO.