5 parts Ongoing "Namatay ako pero~ ako'y Kanyang binuhay" - Faye
Bakit? Bakit ako nakaligtas? Hindi ba tinapos ko ang buhay ko?
Madaming tanong ang pumapasok sa isip ko habang nakahiga sa kama ng ospital.
Nilalamon na ako ng lungkot, depresyon at kawalan pag-asa. Hindi ko napigilang bumagsak ang aking mga luha, at nagsimulang umalingawngaw ang mga hikbi ko sa apat na sulok ng kwarto.
Bakit? Bakit pa ako nabuhay? Tinapos ko na ang lahat diba? Bakit? Bakit?... Kung may nilalang sa mundo na makakasagot ng katanungan ko bakit? Ito ang mga katanungan na bumabalot sa isip ko nang biglang, narinig ko ang isang tinig.
"May maganda pang plano ang Diyos sa buhay mo, hindi pa tapos ang Diyos sayo."
Tinignan ko ang pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ko ang isang babae sa tabi ng kama na nakasuot uniform ng nars.
Hindi ko siya napansin kanina, pero nagtaka ako sa mga sinabi niya. Diyos? Pagkatapos ng lahat, mayroon ba talagang Diyos?
Patuloy parin na umaagos ang mga luha sa mata ko hanggang muli siyang nagsalita.
"Kung nagtataka ka kung bakit hangang ngayon buhay ka, buhay kapa... dahil may maganda pang plano ang Diyos sayo, Hindi pa siya tapos sa buhay mo."
Habang sinasabi niya ang mga salitang iyon, nagsimula akong makakita ng pag-asa.
Diyos...? Diyos, kung talagang may Diyos nga... Kung talagang totoo Ka...tulungan mo ako.
Genre: Spiritual, Romance, Slice of Life
~~~~~
Ang istorya kung pana bumago ng buhay ang Diyos.