Bakit ba lagi na lang pag ikaw yung broken, ikaw ang KAWAWA. Let me repeat it "IKAW ANG KAWAWA" Ano bang kasalanan niya! Eh yung mga bagay na yun ikaw lang naman ang umasa. Ayun lang yung kaya niyang gawin ehhhh -.- anong magagawa mo. Ok lang naman na magexpect ka. Basic na pagbababatayan mo sa mga gusto mong standard para sa kung anong pwedeng mangyari sa inyo. Kaso ikaw naman nagexceed ka sa pagiisip na yun. Over-thinking of the things na in reality eh hindi niya kayang gawin! What the?! Sample thing. Magtetext ka gusto mo magreply agad? Sino ka ba sa buhay niya. Baka nga pindutin niya lang ang OPTION sa cellphone niya at idelete niya agad yung message mo. Ganun din yun, baka OPTION ka lang niya. OPTION OPTION OPTION! Niligawan ka tapos, ayaw mo. Pero anong ginagawa niyo? Sweet-Sweeetan daig pa ang mag boyfriend/girlfriend??? Ngayon isang araw nagising ka na lang na may nilandi nang iba. Ano ka ngayon NGANGA? Ngayon magtataka ka kung bakit ganun ang nangyari. Hindi ka naman magkakaganyan kung hindi mo siya MAHAL, dapat sinabi mo na MAHALAGA KA SAKIN at AYOKONG MAWALA ka. Kaso hindi ako ready para maging tayo, Pero kayang kong patunayan na ikaw lang ang mahal ko. Ang hirap din kasi sa mga lalaki ang bilis magsawa! o hindi kayang makapaghintay? Yung bigla na lang mangiiwan bigla? parang bula. Palit kaya tayo ng mga sitwasyon BOYS! (ang laki ng galit?! konti lang ^.^)