Sa mundong ito ang kapalaran ay sobrang mapagbiro. Hindi lahat ng bagay na gusto ay nakukuha. Sadyang nilikha ang lahat ng bagay ng balanse. Kung may negatibo may positibo, kung may mali may tama at kung may bigo ay laging may tagumpay. Sa buhay natin may pagkakataong tayo ay bigo pero sa huli tayo ang panalo. Minsan naman ay puro kalungkutan darating ang pa nahon ng kaligayahan. Kung minsan kang nagkamali may pagkakataon kang maitama ito. At kung sa pag-ibig naman ay dapat handa kang masaktan, magmahal ng sobra at higit sa lahat ay ang mabigo sa kabila ng hirap mung kamtin ito, ngunit huwag kang mag alala dahil ang higit na pag ibig ay ang pag ibig ng Diyos sa iyo. Ngunit sa bawat pagkabigo natin ay hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa dahil sa bawat gabing madilim ay may naghihintay na liwanag ang bukas. Huwag nating isipin na tayo ay pinagkakaitan ng kapalaran, dahil minsan kailangang may mawala sa atin na isang mahalagang bagay para tayo'y matutong magpahalaga.