Story cover for The Demon Inside Me by girlinthoughts_
The Demon Inside Me
  • WpView
    Reads 148
  • WpVote
    Votes 3
  • WpPart
    Parts 5
  • WpView
    Reads 148
  • WpVote
    Votes 3
  • WpPart
    Parts 5
Ongoing, First published Oct 25, 2015
Hindi ko na alam kung hanggang saan. Gusto ko ng makawala. Ngunit walang makakatulong saakin. Gusto kong sumigaw para lang maalis ang sakit. Ngunit ang nagawa ko na lang ay ang umiyak at indahin lahat ng ito. 
Nakakapagod ngunit kailangan ko tanggapin
"aaaaaahhh!"
Sigaw. Dugo . 
Pakiramdam ko'y kusang lumakas ang katawan ko. Napangiti na lamang ako sa aking nasaksihan. Ang kutsilyong hawak ko ay pinahid ko sa mukha ko at kumulat dito ang sariwang dugo na galing sa tao.
Ayoko sa ginagawa ko pero ang pagkauhaw ko sa dugo ay di ko maiwasan.
Gusto ko ng matapos to. Ngunit paano at sino ang tutulong sa akin?.....
All Rights Reserved
Sign up to add The Demon Inside Me to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
TATsuLOk by JeyEmMen
16 parts Complete Mature
Mula sa salamin ay kitang kita ko kung panong tumulo sa sahig ang malapot na dugo na mula sa isang kutsilyo. "A-anong ginawa nyo?" Hindi makapaniwalang tanong nya. "Ginawa? Wala kaming ginawa." Sabi ng isang tinig na hindi nya malaman kung saan nag mula. "Tinulungan ka lang namin." Dagdag pa nito na bakas ang pagkairita marahil dahil sa gulat na reaksyon nya. "P-pero hindi to tama.." Nilingon nya ang lalaking ngayon ay nakahandusay sa sarili nitong kama. Ang kaninang puting kama ngayon ay nagiging pula na dahil sa dugong nag mumula sa katawan ng lalaki. Ganun na lang ang gulat nya ng makita ang kabuuan nito. Mabilis na sumuka sya sa tabi ng isang malaking salamin kung saan tanaw nya ang babaeng may hawak ng duguang kutsilyo na malamang ay syang pinangputol sa ari ng ngayoy wala ng buhay na lalaki. "Tss. Mahina ka talaga. Kailan kaba masasanay?" Maarteng tanong ng isang tinig. "M-mali to... mali lahat to.." Pauli ulit na umiling sya. " Walang mali dito. Ang mali ay ang panatilihin nating buhay ang walang kuwentang taong yan." "Bakit kailangan nyo syang patayin!" Sigaw nya na hindi na mapigilan ang emosyong gustong kumawala sa kanya. Pumatak ang luha sa kanyang pisngi at nag mamakaawang tumitig sa mga matang repleksyon mula sa malaking salamin na deretso ring nakatingin sa mga mata nya. "Pinatay? Hahahaha!" Sarkastikong tawa ng isang tinig. "Wala kaming pinapatay..." "A-anong ibig mong sabihin?" Kinakabahang tanong nya. "Ikaw ang pumatay sa kanya. Nakalimutan mo na agad?" Nanginginig na inangat nya ang mga kamay nya at ganun na lang ang gulat nya ng makita ang kutsilyo dito. Punong puno din ng dugo ang mga kamay nya at maging ang hubad nyang katawan. "H-hindi... h-hindi to totoo! K-kayo ang pumatay sa kanya!" "Mali ka.. TAYO ANG PUMATAY SA KANYA."
Flowers Bloom (Completed) by tephoney
54 parts Complete
Kailan ba kita makikita ulet? Pinipilit kong kalimutan ka pero naging bahagi ka pa rin ng buhay ko. Naging malawak ang espasyo mo dito sa puso ko. Isang kang nakaraan na kahit na anong pigil ko ay hindi ka nawawala dito sa isipan ko lalo na sa puso ko. Inaasam ko pa rin na sana balang-araw ay mahagilap ko man lang kahit na ang anino mo. Bata man ako noon pero alam ko na ang salitang pagmamahal. Naramdaman ko yun nung tumibok ang puso ko sa unang pagkakataon sa edad na sampung taon. Nandun ang kilig. Nandun ang sobrang saya. Nandun ang tawanan. Nandun ang kulitan. Nandun ang paglalambing mo pero dahil sa'yo nasaktan din ako't umiyak. Hindi ka na bumalik muli. Hindi mo tinupad ang mga pangako mo sa'kin. Nangako ka sa edad na labing-tatlong taon. Tatlong taon ang pagitan ng edad natin pero ramdam ko ang sinseridad mo dahil umasa ako. Lumaki man ako nun sa bahay-ampunan ay pinunan naman ni mother ang kulang sa'kin. Buo at totoo ang pagmamahal na ipinakita niya sa'kin. Kuya ko magpakita ka na. Nasa'n ka na? Tatlong taon ang lumipas nung hindi ka na nagpakita ay umaasa pa rin ako pero natuto akong buksan ang puso ko para sa iba. Ngayon ay apat na taon na kami, kuya. Malapit na ring maging labing-isang taon na hindi ka na nagpapakita sa'kin. Masakit isipin pero umaasa pa rin ako na makikita kitang muli. Gusto kong sabihin sa'yo na salamat sa mga sayang idinulot mo sa buhay ko. Gusto kitang makita. Magpakita ka na. Hinihintay ko pa rin ang pagbabalik mo. Gusto kitang tanungin ng bakit. Gusto kong pakinggan ang mga dahilan mo. Magpakita ka lang. Tatanggapin kita ... bilang nakaraan ko na lang.
You may also like
Slide 1 of 10
TATsuLOk cover
Flowers Bloom (Completed) cover
Tied Up cover
the code cover
Opposite Attracts cover
Fate cover
Limang Rason cover
HIS REAL IDENTITY  cover
LaLuIm : Langit. Lupa. Impyerno [COMPLETED] #InkWarz2019 cover
Ang lalaki sa larawan cover

TATsuLOk