Ilang damit ang meron ka? Anong klaseng bahay ang meron ka? Anong nakakain mo sa bawat umaga? Sinong gumigising sa iyo? Nakakapag-aral ka ba gaya ng dapat sa iyo? Kung oo, maswerte ka. Kahit gaano pa iyan kaunti, kahit gaano pa 'yan karami, lagi mong tatandaan na may mas mababa at naghihirap sa iyo. Kahit mas naghihirap sila, mas mataas ang mga parangap nila at hindi gaya mo na tatanggap na lang ng mga pagmamanahan sa pamilya. ~~~ Ito'y isang maikling kwento na may kinalaman sa walang awang, hindi pagiging patas ng tusong realidad. Kahirapan ng tao, paghihirap ng tao... lahat ng hirap na dinadanas ng mga taong mahihirap.