Bestfriend. Bestfriend, pinaka-matalik na kaibigan. Bestfriend din yung taong mahal mo kaya lang hindi pwedeng maging kayo o dahil hindi ka nya gusto. Bestfriend ang tawag ko sayo noon. Kasi hindi pwedeng maging TAYO. Tayo. Ikaw at Ako. Tayo. Kailan ba magkakaron ng ganito? Kilig. Nararamdaman ko kapag magkasama tayo. Sa mga simpleng bagay na ginagawa mo, kaya tuloy UMASA ako na magiging tayo. ASA. Bagay na ginawa ko dahil sa mga bagay na pinakita at pinaramdam mo. Ayan tuloy nasaktan lang ako. HUGOT. Pag-ibig kong binaon ko noon at hinugot ko noong iwanan mo ako.All Rights Reserved