Bakit nga ba ang hirap gamutin ang pusong nasaktan? Bakit nga pag nasaktan ka na ang hirap ng mag mahal ulit? Gustuhin mo man ibigay ang pagtitiwala mo hindi mo na magawa. Paano nga ba mag-mamahal ulit ang ang pusong nasaktan na ng sobra-sobra? At bakit nga ba may mga taong nagiging parte ng buhay natin na magbibigay ng sobrang saya.Pero mag-iiwan din ng sobrang sakit at pilat sa puso mo. Kapag daw sinayang ng isang tao ang pag-mamahal mo, ayaw mo ng mag-mahal. Pero bakit pag mat dumadating na iba, hindi na natin maibigay ang lahat? Dahil ba takot ka na?....... O may naiiwan pa'rin sa puso mo para sa kanya? ....... Mahirap kalimutan ang taong naging bahagi ng iyong nakaraan. Pilit sinasabi ng isip mo na kaya mo yan, pero ang laging bulong ng puso mo "HINDI PA PWEDENG IBALIK ANG NAKARAAN?......"