Sabi nila desperada ang babaeng naghahabol sa lalaki pero para sa akin ay hindi. Porket naghahabol, desperada na agad? Bawal bang nag mahal muna? Ganyang tayong mga tao, masyadong judgemental. Akala mo naman ay mga anghel sa kabaitan, pasalamat nga sila at minahal sila ng mga taong mahal nila. Hindi ba nila alam na napapagod at nasasaktan din kami. Tao lang din naman kami katulad nila. Alam ko naman na sa tingin ng lahat ay desperada ako. And so? I don't care. I love him. Nagmamahal lang naman ako. Walang masama sa ginagawa ko. Well, except for one thing. Lahat kasi ng lumalapit sa taong mahal ko pinapatay ko este pinapalayo ko. Hindi naman ako ganoong kasama para pumatay ng tao. Brat akong ituring ng lahat pero hindi ko maatim na pumatay ng tao. Kasalan na yun sa Diyos at gusto ko rin naman na mapunta ng langit kapag tamang oras ko na. Haist ang layo ko na pala sa topic. But in short, lahat ng nag tangkang lumapit kay Adam Fierze ay pinapahiya ko para hindi na ulit lumapit sa property ko. Oh by the way... I am Queenie Mae Dela Vega-Tan. Ang future girlfriend at future wife ni Adam Fierze. Walang aangal... Walang kokontra... Dahil isa akong Dela Vega.. Hindi ako naging isang Dela Vega ng wala lang. *smirk* Again, Adam Fierze is MINE.