Si Maine Martinez ay isang mahiyaing dalaga. Nagtapos siya sa kursong Fine Arts. Nakakaangat sa buhay ang pamilya niya. Nagkataon pang pinsan niya ang isa sa mga pinakasikat na artista ng bansa, ang kaniyang Ate Marian. Kaya't hindi na siya nahirapan humanap ng trabahong medyo may kinalaman na rin sa kaniyang tinapos. Si Alden Ricaforte, kapatid ng on-cam and off-cam loveteam ng pinsan ni Maine. Isa rin ito sa mga tinitiliang binata sa mundo ng showbiz. Matagal na niya itong itinatangi. Nagsisimula pa lamang ito noon, gustung-gusto na niya ito. Dahil na rin kilala na siyang personal ng kapatid nito, siya ang ni-hire nito bilang Personal Assistant-slash-Stylist. Anu-ano kaya ang mangyayari? Magkaalaman kaya ng mga nararamdaman? May pag-asa ba si Maine kay Alden? A/N: Babala... Asawa ni? Babalu! (char!) May mga pangyayari sa istoryang ito na magiging taliwas sa mga turo ni Lola Nidora. Kung hindi ninyo gusto ang ideya, maari na lamang pong huwag ng tumuloy sa pagbabasa. Ty.
16 parts