Naranasan mo na bang magmahal at mahalin? Yun bang gigising ka na may long at sweet messages. Yung may magtatanong sayo kung anong ginagawa mo, nasaan ka, sinong kasama mo at kung kumain ka na ba. Yung mag aalala sayo ng sobra kapag hindi ka nakapag reply ng ilang minuto. Yung paulit ulit na magsasabi sayong "mahal na mahal kita". Ang sarap sa pakiramdam diba? Lalo na pag sobrang mahal mo rin sya. Buong buhay niya, sayo umiikot. Ikaw yung mundo niya. Pero pano kung biglang magbago ang ihip ng hangin? Na yung taong mahal na mahal ka ay bigla na lang nagbago. Matatanggap mo ba? Makakamove on ka ba? Kaya mo ba siyang i-let go na lang? Ang storyang ito at para sa mga taong nagmahal ng sobra pero sakit ang kapalit.