Malandi ka ba? Syempre OO, kaya nga kinuha mo ang kopyang 'to sa estante ng bookstore, kasi nang makita mong tungkol 'to sa paglalandi, naalala mo agad ang sarili mo. Tapos nang makita mong para 'to sa mga one-sided lovers eh bigla mong naalala 'yung taong matagal mo nang gusto na matagal na ring walang gusto sa'yo. Aminin mo na. Girl. Boy. Beki. Shiboli. Two-timer. Three-timer. Quarter pounder. Sastre. Manghihilot. Mangkukulam. Parlorista. Oportunista. Masokista. Doktora. Mayaman. Mahirap. Payaman pa lang. Pahirap pa lang. Negosyante. Estudyante. Bulag. Banlag. Kirat. Barat. Sakang. Aswang. Minimum wage earner. OFW. BMW. Chinese. Japanese. Jelly-jellyfish. Goldfish. Anong klaseng nilalang ka man, paniguradong minsan (o madalas) sa buhay mo eh naging one-sided lover ka! Kung ikaw ay nasaktan, umasa, pinaasa, umiyak, na-depress, na-brokenhearted, nagpakamartir, naging forever alone, NBSB, binigay ang lahat, niloko, winasak at umibig mag-isa? Para 'to sa'yo! Hindi madali... Hindi nakakat
7 parts